Ang buwan ng Mayo ay Pambansang Buwan ng Pamana (National Heritage Month) batay sa Proklamasyon bilang 439.
Bilang unang handog, panoorin ang pagtatanghal na pinamagatang “Padre Mariano Granja: Buhay at Pamana sa Lalawigan ng Quezon” na tinipon mula sa iba’t-ibang sanggunian.
Tunghayan natin ang ilang impormasyon sa buhay at kadakilaan ng ating lokal na bayani Apolinario de la Cruz (aka Hermano Puli) bilang paggunita sa ika-179 na anibersaryo ng kanyang kamatayan.